|
okis! ang aga ko nagising kanina.. 5:30am... kasi magchechek out na sa hotel... dami ko kaya dala.. si muder at anti, puntang palawan, at ang trip nila eh... balik ulit sila next week dito...
hayun, dala ko isang malaking maleta (kay anti yun ah) 2 malalaking supot, isang malaking supot ng watsons, yung bag ko na black at shoulder bag ko.... hay, buti nalang may kabaitan yung driver ng taxi at mga guards and janitor dito sa building namin... aga ko nag-time in, so hopefully aga ako mag-out mamaya... (i doubt) nung isang araw, sus! nalagpasan ko yung bababaan ko.. napalayo tuloy ako at napalakad sa haba ng pedro gil... may daladalang medyo malaking bag nakasabit sa kanan at isang shoulder bag nakasabit sa kaliwang balikat... (bigat, in fairness!) nainis tuloy sis ko kahihintay sa akin.. aba, sensya na po... naligaw lang hehe... lumipat kasi kami ng hotel... from rothman hotel sa Mabini lumipat sa Boulevard Mansion sa Roxas boulevard... ngeks! di ko feel ang atmosphere dun... parang dorm and hallway.. tapos ang dim ng lights a room... liit ng tv.. maluwang nga ang sala nya pero sus! filing mo nakakandila ka sa liwanag ng ilaw... pati cr nila kakatakot.. pag nag-shoshower kas filing mo may darating na psycho at mahihiwa yung curtain sa shower room.. hehe (over ba..) madilim din as usual.. ewan ko ba kung yung room lang na iyon ang ganon... isa pa, ang aircon.. sus! pamatay... mainit at sangkatagalang lumamig! kahapon naman, pag dating namin sa hotel, ngeks.. maayos nga ang kwarto pero parang hindi nalinisan ang banyo at sahig.. pag nagpaa-paa ka, ilang minuto lang ang itim na ng dapan mo.. nyahahaha! sa banyo andun pa rin mga buhok (galing sa ulo.. haha!).. may mga nasa gilid-gilid... ay basta, di ko na feel dun.. first impression lasts... talaga! so eto ako ngayon, andito sa office... daming dala... kala nila aalis ako.. dala ko ba naman eh malakig maleta... may dala pa akong mga sibuyas, luya at iba't-ibang sangkap sa pahluluto.. hehe... sayang naman kung iiwan dun eh.. may bigas pa ako... sayang di ako nakasama sa palawan, saka nalang daw ako punta kapag tapos na yung bahay.... ngirs! kelan pa yun.. next year na mga april hehe... pero oks lugar nila dun.. malapit sa beach, pero walang kuryente ala pang signal.. (lib-lib/barrio kung baga...) pero ok lang yun, makakarelax ka dun at magkakaroon ka ng fish of mind (dahil pwede kang mangisda.. joke!) hehe |
| Leave a Comment: |